Isang security guard ang hinahangaan ngayon online dahil sa kaniyang kabutihan at pagsusumikap na maturuan ang mga bata na paligid-ligid lamang sa lansangan.
Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si John Robert Flores, nakilala ang security guard bilang sa Rene Abelita.
Nagtatrabaho ito sa Palawan pawnshop sa Sampaloc, Manila at nagsisilbi ring guro ng mga bata sa lansangan sa oras ng kaniyang trabaho.
Ayon sa naturang post, madalas ay tinuturuan ni Rene ang mga bata na matutunan ang pagsusulat at pagbabasa. Bagay na mahalagang mapag-aralan ng mga bata dahil magagamit nila ito hanggang sa kanilang pagtanda.
"Nakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano but still tinuturuan nya pa rin kasi may busilak syang puso. I salute you kuyang sg sa patuloy ka parin bigyan ng blessings ni lord dahil sa mabuti at busilak kang puso para matulungan ang batang yan," sabi ni Flores.
Bukod kay Flores marami ring humanga kay Rene dahil sa kaniya pagbibigay ng oportunidad sa mga bata na matuto kahit hindi nakapapasok sa paaralan.
No comments:
Post a Comment