Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang lola ang pagala- gala dahil hindi na pinabalik ng kaniyang amo sa pagtatrabaho

 


Marami saating mga Pilipino ang nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng COVID-19 taong 2020 at marami rin ang mga naghihirap dahil sa kakulangan sa sahod at halos ang iba sa atin ay umaasa na lamang sa ayuda galing sa gobyerno.

 

Sa kabilang banda ang matandang ito na nag ngangalang Maria Dumalinog siya ay nakatira pa sa lugar ng Leyte at ngayon siya ay humihingi ng tulong dahil nung una siya ay pumapasok bilang isang katulong sa loob ng BF homes.

 

Simula noong lockdown taong 2020 siya ay pansamantalang nag day-off lang para makita ang kanyang mga anak sa kanila kaya nag desisyon muna itong manghingi ng day off at pansamantala muna siyang umuwi.

 

Bigla nalang umano hindi na ito pinabalik ng kanyang amo sa BF homes dahil narin siguro nakahanap ng bagong katulong ang kanyang amo o kaya iniiwasan nila ang kanilang katulong dahil sila ay nagtitipid muna at pwede ring sila ay umiiwasan baka may dalang virus ang mga katulong na paalis alis sa bahay.

 

Maraming sa mga netizen ang naawa sa matandang babae dahil siya ay pa gala-gala nalang sa kalye kaya isang netizen ang tumulong na laging binibigyan ng pagkain, sana may tumulong pa sakanya.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive