Isang grupo ang nag tatag ng community pantry sa Maguindanao
na kung saan mapapansin na may mga
manok, isda mga ibat ibang uri ng mga gulay at prutas at marami pang ibang
pagkain na masasarap.
Ginawa ito para makatulong sa mga kababayan natin na
nagugutom dahil walang pang bili ng pag kain at kapos palad kahit sino ay
maaaring kumuha mayaman man o mahirap.
Paalala lamang ng grupong gumawa ng community pantry ay
dapat kumuha lamang ayon sa pangangailangan magtira para sa iba at sinusunod
naman ito ng karamihan.
Ang iba naman ay nag dadala pa na pwede nilang ipalit sa
kanilang kinuha para na rin makatulong sila sa community pantry katulad nalang
noong unang panahon na kung saan nauso ang mga palitan na tinatawag nating
barter.
Sana ay mag tulo-tuloy ang magandang Gawain na ito sa datu Saudi
maguindanao at hindi lang ditto maging sa ibang karatig ng bayan dahil malaking
tulong ito para sa nakakarami at sa mga kababayan nating nagugutom.
No comments:
Post a Comment