Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Viral: Grupo ng mga babae, sinimot ang supplies ng isang community pantry

Makikita sa isang video ang paninimot ng isang grupo ng mga babae sa mga laman ng isang community pantry sa Pasig City na ngayon ay viral.


Makikita sa una na puno ng laman ang lamesa ng iba't ibang uri ng pagkain sa Barangay Kapitolyo nang dumating ang grupo ng anim na babae na may mga dalang ecobag.


Kita rin dito na pinalibutan ng mga babae ang lamesa habang kaniya-kaniya na sila nang dampot sa mga nakalagay dito. Huli rin sa camera ang isang babae na bitbit ang dalawang tray ng itlog.


Ilang saglit lang ay simot na ang laman ng mesa. Hindi na nila inisip ang ibang mas nangangailangan.


“Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, ‘Ibibigay na lang po namin ‘to sa mga kapitbahay namin.’ Sabi ko sa kanila, ‘pwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n’yo,'” pahayag ni Carla Quiogue, ang naglunsad ng community pantry sa nasabing barangay.


"Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan," sabi ni Quiogue. 

Share:

1 comment:

  1. Bala sa pagkagahaman nila sasakit pa tyan nyo.mgtiraxbman oara sa iba...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive