May siyam na anak ang mag-asawang Crispin at Clemencia Guelos at ang anim sa mga ito ay babae, lahat pulis sila ay "all for one, one for all."
Hindi umano pinangarap ng anim na maging pulis. Ang tanging kumuha lang ng criminology sa kanila ay ang kapatid nilang lalaki pero ibang career ang pinasok ag hindi ang pagiging pulis.
Suportado naman ng kanilang ama ang pagiging pulis ng kanyang anim na babaeng anak na alam niyang laging nagsusumikap.
Ang pumasok ay si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Maria Cherry Guelos-Demarana, sinundan ni PEMS Ma. Irene Guelos-Habuyo. Ang pang-apat sa magkakapatid na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Sharon Guelos-Dalit, sumubok pang magtrabaho sa ibang bansa bago tuluyang pinasok ang pagpupulis.
Ang tatlo pa sa magkakapatid na sina Police Corporal (PCpl) Merry Cris Guelos-Asturia, Patrol Woman Era Dawn Guelos-Buot, Police Staff Sergeant (PSSG) Nerissa Guelos-Federizo ay sinundan na rin ang yapak ng kanilang tatlong kapatid.
Ang pagiging pulis daw nila ang naka ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.
No comments:
Post a Comment