Inaresto ang isang lalaki mula sa isang convinience store dahil inireklamo ito ng kanyang karelasyon matapos itong hindi magbigay ng sustento sa kanilang anak.
Inireklamo siya ng dating karelasyon na nakilala niya sa isang dating app, nagkakilala at nagsimulang magkaroon ng relasyon ang suspek at ang biktima noong 2018 ayon kay kay Police Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police.
Iniwan ang karelasyon at nagtago na mula 2019 ang lalaki na itinigil na nga ang pagbibigay suntento sa anak.
Republic Act 7610 at Republic Act 9262 ang isinampa laban sa suspek dahil sa pagpapabaya at hindi pagbibigay ng sustento sa kaniyang anak.
Kahit pa di kasal ang mga magulang ng bata, may karapatan pa rin itong humingi ng sustento sa ama o sa ina niya.
Paalala na kung kayo ay single parent at nakararamdam ng hirap sa pagtataguyod ng anak, tandaan na mayroon ka rin namang dapat katuwang dito na maidadaan mo pa ito sa legal na proseso. (Photo for illustrative purposes only)
No comments:
Post a Comment