Bakunahan na ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nakatakda nang bumiyahe sa labas ng bansa sa loob ng dalawang buwan, pakiusap ni Senator Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga namamahala ng national vaccination program.
Karamihan ng mga OFW ay kailangan nang ma-deploy upang hindi mawala ang mga trabahong naghihintay sa kanila doon, ayon kay Go
"Kaya kung maaari, mag-allocate tayo ng bakuna na angkop para sa kanila na tanggap sa kanilang countries of destination. This must be done in compliance with requirements for vaccines coming from COVAX facility, as well as our own vaccine prioritization order," salaysay ni Go.
Sabi ni Go may 10 milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa sa susunod na buwan, kaya may sapat nang supply ang gobyerno para sa kinakailangang bakuna ng OFWs at iba pang grupo na nangangailangan ng specific na brand.
Batay sa huling IATF guidelines, ang mga OFW ay kabilang na sa A4 category.
No comments:
Post a Comment