Viral sa social media ang pinost ng isang concerned netizen na si Bea Aspiras na isang larawan ng isang delivery man na naghihintay sa kanyang customer na lumabas sa katirikan ng araw.
Matiyaga naman na naghihintay ang delivery man, lubos na naaawa ang mga netizens sa kalagayan ng ating mga delivery riders.
Laking pasasalamat na lang ng delivery rider na hindi fake booking ang napuntahan niya at nakangiti pa rin inabot sa customer ang kanyang order kahit na halos 1 oras na itong naghihintay.
Narito ang buong post ni Bea Aspiras:
"Ngayon lang ako mag popost ng ganito, and this is for every person using online shopping.
Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito almost 1hr din syang nag hintay dun sa customer."
"Honestly, nakakaawa talaga sila makitang ganito lalo na’t pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na. Nung lumabas yung customer, binati sya ni Manong nang nakangiti. And he’s old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong
Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin."
"They’re patiently waiting for us to get our order/s, yung ibang customers lang talaga walang patience minsan… di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto nalang po sa trabaho nila..”
Larawan mula sa post ni Bea Aspiras
No comments:
Post a Comment