Laking tuwa ng isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) nang ibinalik ng isang Philippine Cost Guard (PCG) personnel ang kanyang wallet na nagkakahalaga ng 185,000 pesos cash at cellphone.
Ang PCG personnel kinilala bilang si Ramir Greg Locsin na isang
Seaman Second class (SN2) na nakakita at nakapulot ng wallet, ayon naman sa
isang report sinabing nawala ang wallet ng OFW na kilalang si Joliza Wanason sa
Ninoy Aquino International Airport.
Sinikap ni Locsin na hanapin ang may-ari ng wallet naghanap ng naghanap hanggang
sa natagpyan na niya si Wanason ang may ari ng nawalang wallet, Isa nga naman
kabutihan ang ipinakitang pag uugali ng isang Philippine Cost Guard sa ating
bansa.
“SN2 Locsin's dedication to his tasks, professionalism,
devotion, and integrity to public service significantly contributed to the
pride of this unit and the whole Philippine Coast Guard organization,"
ayon kay Commander Jimmy Oliver Vingno ng PCG Task Force Unit Airport One-Stop
Shop (OSS).
Dahil dito si Ramir Locsin ay nakatanggap ng letter of
commendation para sa Exhibiting, Honesty, Integrity, and Professionalism sa pag
balik ng pera na nag kakahalaga ng P185K at isang phone.
No comments:
Post a Comment