Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang Pinoy artist ang gumuhit ng ibat ibang mukha sa palaman ng tinapat ,cookies

 

Viral sa social media ang isang food artist dahil sakanyang aking talento na makaguhit sa pamamagitan ng palaman sa tinapay ang mga iba't ibang sikat na personalidad mapa local man o international celebrities.


Kinilala ang palaman artist na si Jaypee Bacera Magno siya ay tinatawag na 'Lebread James' sa kadahilanan ng pagguhit ng mukha ng sikat na basketball player na si Lebron James, ginuhit niya ito sa tinapay gamit ang sikat na tsokolate.


Tinawag niya ang kaniyang obra maestra na "Palaman artwork" dahil ito sa kanyang mga ginagamit na palaman sa pagukit sa tinapay o cookies. Ibinahagi niya ang kanyang gawa sa ibang mga pintor at artist sa pamamagitan ng pag share sa Facebook group.


Ayon kay Jaypee, ito ay hiling lamang ng kanyang supervisor sa kanyang kumpanyang pinagtatrabauhan ng bilang namangha ang kanyang mga katrabahk sa kanyang nilikhang obra. kaya naman naisipan niyang iguhit ang isang sikat na basketball player sa buong mundo.


Kuwento niya, kumakain siya ng meryenda niyang tinapay na may palamang tinunaw na tablea nang maisipan niyang gumawa ng artwork. Napili niyang gawan ng food art si Rabiya Mateo dahil bukod sa bilang suporta niya sa darating na Miss Universe pageant nito, kapwa Ilonggo rin pala siya ni Jaypee. Umabot sa dalawang oras ang paggawa niya sa kaniyang obra.


“I’m proud po na gawan siya ng artwork,” aniya. Bukod kina LeBron James at Rabiya Mateo, ginawan din niya ng food artwork sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Julia Barreto, Joshua Garcia, Senador Manny Pacquiao, at international artist Ariana Grande.


Maliban sa tinapay naging medi din niya ang oreo gamit lamang ang toothpick, inukit niya ang mga mukha ng mga miyembro ng sikat na grupong Blackpink.


Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. “Pagkahusay-husay naman! Sinong mag-aakalang puwede pa lang makagawa ng artwork gamit lang ang mga palaman hahaha,” wika ng isa.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive