Iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang isang viral video ng maling pagbabakuna. Makikita kasi na tinusok lang ang karayom pero hindi tinuloy ang pagbabakuna.
Ayon sa DOH, nabakunahan rin ang pasyente matapos nitong ipaalam ang nangyari. Ang iba pang detalye, alamin sa video.
“Sinisigurado po namin na ating iimbestigahan ang pangyayaring ito upang mapabuti ang ating national vaccination program,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Samantala, nagbigay ng paumanhin si Makati City Mayor Abigail Binay at ito ay isang "honest mistake."
“We acknowledge the video, it was a human error on the part of the volunteer nurse. It happened last June 25. June 26, the video was shown to us na hindi po siya (individual) nabakunahan, we apologize to the public [for this],” Binay said during the Palace briefing.
No comments:
Post a Comment