Halos sa mga kababaihan ngayon ay gusting mapaganda ang
kanilang itsura kaya naman may ibat ibang pakulo ang kanilang gusto gawin
sakanilang mukha para lang sila ay gumanda. Ang iba rito ay pinapaganda ang
kanilang kilay kaya dahil dito nauso ang salitang ‘Kilay is Life’. Marami rin
ang mga babaeng gumaganda kapag maayos ang kanilang kilay.
Kailan lamang nag viral sa social media ang isang babae na
nag pa-tattoo ng kilay at lubhang nadismaya ito base sa kanyang reaksyon sa
tattoo artist na gumuhit sakaniyang kilay.
Mapapansin sa larawan na sobrang kapal at parang nagsusugat
pa ang pagkakaguhit sa kilay ng babae, masyadong nagtiwala sa kaniyang tattoo
artist na mabigyan ng maganda at maayos na kilay para ito ay gumanda pero
parang mas lumalapa ang sitwasyon.
Maraming tao din ang hindi nagagandahan sa kilay ng babae at
may ilan pa na pinagtatawanan ito dahil sa sobrang kapal ng kaniyang kilay kaya
hindi na magawang lumabas ng bahay dahil na din sa hiya.
Payo naman sakaniya ng tattoo artist ay pahiran nalamang ng
petroleum jelly ang kaniyang kilay dahil ninipis din daw ito kapag tumagal
ngunit matapos ang ilang araw ay makapal parin ang kilay ng babae
Kinalaunan ay binlock na siya ng tattoo artist sa social
media. Obligayson umano ng tattoo artist ang ginawa nito sa kanya kaya wala
umano itong karapatan na takbuhan o taguan siya. Maging ang mga netizens ay
pinagtangkaan na siya na kailangan niyang ayusin ang kilay at humarap na sa
babae.
Ang kagandahan ng isang babae ay hindi kinakailangan ng mga
pampagandang o pëkeng produko dahil ang kagandahan na isang babae ay nakikita
kung paano nito respetuhin at alagaan ang sarili.
No comments:
Post a Comment