Hinarap ni Jamila Mae Lazo o Jam, 10 taon gulang, ang isang karamdaman na rare bone cancer na Ewing sarcoma. Ginagawa niyang inspirasyon ang K-pop group na BTS para payuloy na lumaban sa buhay.
"Sa totoo po wala po kasing binibigay na stage sa amin noong time na 'yun. Sabi ng ENT ipa-check na namin sa onco. Parang hindi talaga kami makapaniwala na, siyempre, ang bata pa kasi niya," sabi ni Ramarie Joy Jamen, ina ni Jamila.
"At the age of seven inoperahan siya, ang dami niyang pinagdaanan, which I know naman may plan si God para sa kaniya," dagdag ng ina.
Nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob ang panonood sa grupong Korean boy group na BTS.
"Magaling silang sumayaw, magaling po silang kumanta, at maganda rin po ang videos nila," sabi ni Jam.
"Napapasigla po nila ako at napapatawa sa tuwing nakikita ko po sila sa YouTube, sa Facebook at sa Tiktok," dagdag ng bata.
Pangarap ni Jam na makapunta sa concert ng BTS, at maging doktor para makatulong sa mga taong maysakit.
No comments:
Post a Comment