Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Inang OFW na nasa quarantine, nagmakaawa na payagan ng pumunta sa libing ng anak

Screengrab 24 Oras

Lubos na nakiusap ang inang overseas Filipino worker (OFW) na bawasan ang araw ng kanyang quarantine para makapiling ang anak na pumanaw na.


Kinwento ng OFW na si Rosamil Saranza sa 24 Oras ang nangyari sa kanyang anak na isang Grade 10 student.


Nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa kaniyang utak base sa CT Scan nito na naging sanhi ng pagpanaw ng bata. 


"Nagmamakaawa po sa inyo sa kahuli-hulihang pagkakataon, pagbigyan niyo na makasama ko nang saglit ang anak ko," pakiusap ni Rosamil.


"'Yun ang kahilingan na makita ang anak ko. Nandito na ako sa bansa natin, konti na lang makasama ko ang anak ko," dagdag niya.


Naging mahirap ang sitwasyon ng mga OFW dahil sa pahirapan na pagkuha ng mga flight ticket dahil sa sunud sunod na travel ban dulot ng pandemic.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive