Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Libreng pabahay ni Pres. Duterte, inaasahan pa rin ng mga mahihirap

 

Ilang taon na mula noong nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng pabahay para sa mga Pilipino ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa at nagdarasal na sana ay mapagkalooban sila ng maayos na tirahan.


Noong 2018, sa ulat ng PTV, ay nangako ang Pangulo na prayoridad niya ang mga mahihirap at nakatakda pa siyang maglunsad ng mga programang pabahay sa mga lubos na nangangailangan lalong-lalo na sa mga naapektuhan ng kalamidad at mga informal settler.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi mawari kung saan sila maninirahan at laksa-laksa pa rin ang nagtitirik ng pinagtagpi-tagpi nilang bahay sa tabing kalye o tulay tulad nalang ng pamilya Vera sa Pampanga.

Ayon kay Florica Vera sa panayam niya sa CLTV36, sila ay matagal na nanirahan noon sa Caloocan. Ngunit dahil sa hirap ng buhay lalo na noong pumutok ang pandemya, sinubukan nilang makipagsapalaran sa  Pampanga.

Unang nangupahan ang magpapamilya nang tumuntong sila sa probinsya ngunit dahil sa kakapusan sa pera, napilitan na lamang silang bumuo ng pinagtagpi-tagping bahay sa tabi ng sapa na malapit din sa ilalim ng tulay.

"Ang gusto ko lang po ay 'yong may maayos kaming tirahan ba," sambit ni Florica na umasa sa pabahay ni Pres. Duterte.

Marami pang katulad ng pamilya Vera ang naghihintay sa libreng pabahay ng gobyerno lalo na ngayon at marami ang walang trabaho at kakayahang magbayad sa upa ng bahay.

Noon lamang Hunyo 29, base sa ulat ng ABS-CBN News, lantarang sinabi ng Pangulo na hindi niya kayang mabigyan ng bahay ang lahat ng mahihirap lalo pa at kapos din umano ang gobyerno sa pera, materyales, at mga trabahador.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive