Nagbabanta at tumatawag ang isang grupo ng medical frontliners ng mass resignation at kilos protesta kung hindi ibibigay ng gobyerno ang kanilang allowance at benepisyo.
"Kung talagang pikit-bulag ang ating gobyerno sa mga panawagan ng mga health workers, both public and private, talagang pupunta tayo doon sa mass resignation," ayon kay Alliance of Health Workers President Robert Mendoza.
Mapipilitang ituloy ang protesta pati ang mass resignation ng grupo kung magmamatigas ang Department of Health (DOH) sa hinihingi nila.
"Mayroon na kaming nakaplano na sama-samang pagkilos. Ito’y tinatawag naming malawakang lockdown," ayon naman kay Jao Clumia, pangulo ng St. Luke's Medical Center Employees Association.
Ipinaliwanag naman ng DOH na gumastos ng aabot sa P10.85 bilyon ang pamahalaan para sa higit 740,000 health workers at P4.34 bilyon para sa hazard pay ng higit 864,000 frontliners.
"The SRA (special risk allowance) which is really processed through the regional offices... would mean that they need to enlist in a masterlist in regional offices," paliwanag ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega.
Ikinalulungkot rin ni Vega na sa kabila ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, may mga panawagang magkaroon ng mass resignation sa grupo ng mga health workers.
No comments:
Post a Comment