Tiba-tiba ngayon ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai matapos manalo ang bawat isa sa kanila ng AED250,000 o P3.44 million sa sinalihan nilang raffle draw.
Para makasali sa raffle draw kailangan lamang bumili ng mga kalahok ng bottled water.
Isa sa mga nanalo ay ang ang taga-Pampanga at 26-anyos na si Dominique Florence Maglalang Odiaman, isang customer service executive sa isang air cargo company. Kinailangan ni Odiaman na mag-resign sa kaniyang trabaho noong nakaraang taon para alagaan ang kaniyang ama na nahawa ng COVID-19 at nasa Dubai rin.
Sunod naman sa mga raffle winners ay ang 51-anyos na si Randul Estrella Poquiz, isang civil engineer na 14 na taon ng nagtatrabaho sa Dubai. Aniya, gagamitin niya ang pera upang magtayo ng negosyo sa Pilipinas sa oras na siya ay mag-retire.
Ang third winner naman na si Engineer Armando Ramos Bautista, ay nakatakdang hati-hatiin ang napanalunang pera dahil isang grupo umano silang nag-ambagan upang makasali sa raffle draw.
Sa kabuuan, walong OFWs na ang nanalo sa nasabing raffle na inorganisa ng Mahzooz. Upang makasali at makapagpasok ng isang number combination, kailangan lamang bumili ng bottled water ng mga kalahok na siya namang nagkakahalaga ng AED35.
No comments:
Post a Comment