Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

39-years old na nanay may 38 na anak, mukhang imposible pero totoo dahil sa hyperovulation

Illustrative purpose only

Anim na sets ng kambal, apat na sets ng triplets at limang sets ng quadruplets, sa kabuuan ay may 44 na anak ang isang 39-anyos na ina. 6 sa mga ito ay namatay na kaya 38 na lang ang natitira.

Hindi kapanipaniwala ngunit totoo ang kwento ni Mariam Nabatanzi mula Uganda at hindi naging madali ang buhay niya.

Nagkaroon siya ng kundisyon na tinatawag na Hyperovulation. Isang kondisyon na kung saan ang isang babae ay nagkakaroon ng multiple ovulations sa isang cycle.

Ayon sa pagaaral, higit sa isang egg o multiple eggs na narerelease mula sa ovaries ng isang babae during ovulation. Na nangyayari naman sa loob ng 24 oras matapos marelease ang naunang egg.

Larawan: Si Miriam at ang ilan sa kanyang 38 na anak

Sa kaso ng isang babaeng may hyperovulation, ay sabay na nagrerelease ang kaniyang ovaries ng eggs sa parehong cycle.

Sa kabila ng pagkakaroon ng 38 na anak, lahat sila ay kasalukuyang nagaaral.

“I am hopeful that my children will go to school because they all have big ambitions of being doctors, teachers, and lawyers. I want them to achieve these dreams, something I was not able to do," sabi ni Mariam.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive