Tone-toneladang kamatis na ang nasasayng, ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region ay nawawalan na ng kita dahil sa oversupply dahil sa paghihigpit ng lockdown.
"Wala pong masyadong buyer at saka oversupply po...Pinapamigay namin sa iba naming mga kasamahan, eh sa dami po ng kamatis, hindi rin po nila kayang ubusin kaya ang labas po, tapon na lang po sa gilid-gilid," kuwento ng isang magsasaka.
"Sobrang sakit sa pakiramdam kasi nga po yun na lang po inaasahan naming pagkukunan namin ng pambili ng pagkain namin, sa pangangailangan ng anak namin. Pinaghirapan namin tapos napunta lang sa wala," kwento naman ng isang magsasaka.
Dahil sa lockdown ay nawawalan sila ng customers, hindi nila mapuntahan ang Nueva Vizcaya Agricultural Terminal, Inc., ang farmer trading system.
May kausap na raw silang institutional buyers, ayon sa Department of Agriculture (DA). Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa mga lokal na pamahalaan para sa logistics.
Sinabi ng DA sa rehiyon ng Cordillera na halos 500 mga magsasaka ang nawawalan ng kita ngunit ang pangunahing tanggapan ng DA ay hindi pa maabot ang kalagayan ng mga magsasaka.
Photos: Rural Rising Philippines
No comments:
Post a Comment