Nagfile si Senador Lito Lapid ng isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng 28-day paid leave ng quarantine bawat taon sa mga manggagawa na kailangang sumailalim sa quarantine.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2404, o ang Paid Quarantine Leave Benefit Act, saklaw ng benepisyo ang mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor. Ang bayad ay magiging katumbas ng kanilang pang-araw-araw na wage rate.
Ayon sa panukalang batas, ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) ay dapat reimburse ang mga employer para sa bayad sa quarantine ng mga employee.
Nakasulat sa panukalang batas na hindi makakaapekto ang 28-days paid leave sa existing sick leave, hazard pay at iba pang benefits ng mga employee.
Kung naipasa ang batas, ang mga employer na tumanggi na bigyan ng bayad ang quarantine leave ay pagmumultahin mula ₱30,000 hanggang sa ₱200,000.
Kung ang paglabag ay nagawa ng isang samahan o korporasyon, mananagot ang managing head ng kumpanya, mga director, o mga partners.
No comments:
Post a Comment