Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ayuda daw ito: Itinangi ni Pacquiao na vote buying ang pamimigay ng pera sa Batangas


Aminado si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na namigay ito ng pera sa ginanap na pagtitipon sa Batangas ngunit itinangi niya na ito ay isang vote buying scheme kung hindi ayuda daw ito.

Nagpunta si Pacquiao sa Balayan, Batangas at namahagi ng relief packs sa may 7,000 biktima ng Taal Volcano eruption.

“Yes, totoo po ‘yan namigay tayo ng tulong, grocery, bigas, at pera na tag-iisang libo,” ani Pacquiao.

“Hindi ito vote-buying kasi ‘yung pamimigay ng pera at bigas, 2002 ko pa ginagawa ‘yan. Mula noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, habit ko na mamigay ‘pag nakita ko may nangangailangan, nagugutom,” sabi ni Pacquiao.

Ayon pa sa senador, hindi pondo mula sa gobyerno ang perang ipinamahagi niya.

“Ito parang pilosopo. Ano gusto niyo mamigay ako ng pera o magnakaw ako?” banat Pacquiao.

Kamasa si Pacquiao sa mga top candidates sa pagkapangulo sa darating na Eleksyon 2022 na gaganapin sa Mayo 9.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive