Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pacquiao, naniniwala na kayang bigyan ng pabahay ang mahihirap sa loob ng 3 years


Senator Manny Pacquiao sinabi kayang kayang bigyan ng pabahay ang mga informal settlers at mga pamilya na rumerenta ng bahay sa bansa sa loob lamang ng tatlong taon. 

Hahabol sa pagka presidente sa Pacquiao sa darating na halalan 2022. Nagretiro na rin ang atleta sa kanyang boxing career para sa politics.

"Noong sinabi ko pangarap ko na mabigyan ng pabahay ang lahat ng informal settlers sa buong Pilipinas, ang sabi ng mga ibang tao, imposible yan kasi sa puso nila nandun yung greediness. Pero sa hindi greedy na tao, sa generous na puso ng tao, all things are possible,” ani Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao ay kayang kaya ng gobyerno na bigyan ng pabahay ang mahihirap at sobra sobra pa nga daw ito kung tutuusin.

“Kayang kaya, sobra sobra pa.. in-estimate ko nga e in three to four years, mabigyan ko lahat [ng bahay] pero sinabi ko lang in years para hindi ako maging sinungaling,” sabi ni Pacquiao.

Noon pa man ay may mga proyekto na si Pacquiao na pabahay sa General Santos at Sarangani province at ang ginagamit niyang pondo ay galing sa sarili niyang bulsa.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive