Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pinay domestic helper, kulong matapos lagyan ng laway at toilet water ang inumin ng employer


Isang Pinay domestic worker ang hindi na nasisiyahan sa pamilya ng kanyang amo, nilagyan ng toilet water mula sa bowl ang drinking water ng kanyang employer, nilagyan din ito ng liquid na panlinis ng furniture.

Gozar Rose Magtanong, domestic helper sa Singapore, ginagamit din daw ang mga mamahaling facial creams ng asawa ng employer sa halos 28 times.

Kulong ang Pinay matapos itong binigyan ng guilty plea ng one count of dishonestly misappropriating the creams at one count of committing mischief.

Inamin naman ni Gozar na nilagyan niya ng laway ang water jug na ginagamit ng kanyang employer, kasama ang inumin ng isang bata.

Ayon naman sa lawyer ng Pinay, tinawag siyang "stupid" ng kanyang employer kapag may nagagawa itong mali, confiscated din ang phone niya at hindi naibibigay on time ang kanyang sweldo kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon.

Naninirahan ang pamilya sa isang condominium at halos isang taon na nagtrabaho sa kanila ang Pinay worker.

"As a foreign domestic worker, your behaviour in contaminating the drinking water of the family is certainly something that cannot be condoned, certainly to be deterred. If you have any grievances…(there are) legitimate channels for you to do so it’s not right to do the way you have done," ayon kay District Judge Ng Peng Hong.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive