Isang Vice Presidential aspirant ang naghain ng kanyang Certificate of candidacy at isinabi ang kaniyang plataporma kabilang na dito ang paglalagay ng banyo sa bawat barangay. at sinabi din na ang mga ihi ay kokolektahin para gawing pabango.
Si Alexander Lague, na tatakbong bise presidente sa ilalim ng Philippine Green Republican Party, katambal ang presidential aspirant na si Laurencio Yulaga.
Si Yulaga naman ay mayroon raw itong kompanya na langis at pinagkalooban ng isang russian ng 740 billion euro para pagandahin ang kaniyang teknolohiya.
“Paano? Simple lamang po if I’m not mistaken po mahigit 44,000 ang barangay sa buong Pilipinas. Bawat barangay tatayuan ko ng banyo at [comfort room] lalo na po ‘yung mga leading streets katulad ng Caloocan, EDSA to Heritage Hotel, Pasay City,” sinabi ni Lague.
Ang maiipon na ihi ng lalaki, gagawin niyang pabango habang liquid fertilizer naman ang gagawin sa ihi ng mga babae. “Kasi ang ihi ng lalaki gagawin nating perfume sa teknolohiya ng aming presidential candidate na number one, top scientist sa buong mundo,” dagdag niya.
Hindi niya gagamitin ang pondo ng Office of the Vice President para sa naturang proyekto sinabi ni Lague. Sa halip, uutang siya sa kompanya ni Yulaga upang maipatupad ang proyekto.
Tutugunan din umano ni Yulaga ang problema sa polusyon, at hindi na kakailanganin ang landfill para sa mga basura at hospital wastes. Ayon kay Yulaga, isa siyang scientist na nagtapos sa mula sa Harvard.
No comments:
Post a Comment