Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang pamilya, kabilang ang 89-anyos na lola, kumakapit sa puno upang makaligtas sa bagyo


Ilang miyembro ng isang pamilya, kabilang ang isang 89-anyos na lola, ay natagpuang nakakapit sa isang puno sa Negros Occidental nang hagupitin ng Bagyong Odette ang Visayas at Mindanao.

Nang umabot na sa dibdib ang baha sa Kabankalan, walang nagawa ang pamilya kundi kumapit sa puno para maka survive.

"'Yung pagod at takot mo talagang nagsama-sama. Parang nawawalan na rin ako ng pag-asa. Akala ko nga 'yun na 'yung katapusan namin, e. 'Yung ginawa na lang namin is pray talaga," ayon kay Richie, kabilang sa pamilya.

Sinabi ng isang rescuer na nakita niya ang bahay na lumubog at ang mga miyembro ng pamilya ay nakahawak sa isang puno.

"Sabi namin, huwag kayong bibitaw kasi mag-aantay tayo ng rescue," sabi ng rescuer.

Sinabi ni Lola Lilia, ang 89-anyos na lola, na muntik na siyang sumuko.

"Sabi ko matulog na ako, sa tubig. Iyak nang iyak nga sila. Nagdilim nga hindi ko na sila makita. Sigaw sila nang sigaw, palakas ka! Nay! Sa awa ng Diyos maligtas tayo," sabi ng lola.

Nasagip naman ng ligtas ang pamilya kasama si lola Lilia. Maraming apektadong pamilya ang magpapasko pagkatapos ng Odette.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive