Isang undocumented migrant worker sa Hsinchu, Taiwan ang inaresto sa isang vaccination site noong Martes m, sa kabila ito ng mga pangako ng Taiwan government na hindi nito huhulihin ang mga undocumented foreign workers.
Nangako ang Central Epidemic Command Center (CECC) na hindi aarestuhin ang mga undocumented migrant workers kung sila ay magpapabakuna para sa isang COVID shot.
Nangako si Chen na hindi nila aarestuhin ang mga ito kapag nagpakita sila para sa pagbabakuna, "We can fully guarantee that," ayon kay Chen.
Matapos suriin ng pulisya ang kanyang identity, napagtanto nila na siya ay isang 51-taong-gulang na Philippine national at isang undocumented worker, na nag-udyok sa kanila na arestuhin ang babae at dalhin siya para sa questioning.
Ang pag-aresto sa migrant worker ay isang isolated case at hindi na magkakaroon ng iba pang mga naturang pag-aresto, ayin kay Minister of Labor Hsu Ming-chun.
Larawan mula sa Hsinchu County Police Bureau
No comments:
Post a Comment