Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

We pray to God that Omicron won’t enter PH: Duterte


Sinabi ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ipinagdarasal niya na hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong variant ng Omicron ng COVID-19.

“I am very happy na bumababa na talaga. Duma-dive na yung ano.. That's a miracle because other countries are still reeling from the effect. Parang nagkaroon sila ng problema sa Omicron," ayon sa Pangulo.

Nagpahayag si Duterte ng pag-asa na hindi na kailangang i-handle ng Pilipinas ang variant na Omicron, ngunit kakayanin ng pamahalaan sakaling pumasok ito sa bansa.

“Tayo, we are not hoping for the best but we pray to God that it will not come to our shores. But if ever dumating, we can cope up with it just as we did with Covid-19,” dagdag niya.

Patuloy na nag-uupdate ang Pilipinas sa mga  quarantine protocol para sa mga travelers mula sa ibang bansa.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) na "variant of concern" ang Omicron.

May mga ulat na nagpapakita na ang mga kaso ng Omicron ay natukoy sa dose-dosenang mga bansa sa bawat kontinente maliban sa Antarctica.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive