Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

NCR Mayors, sumang ayon sa lockdown para sa mga unvaccinated people


Sumang-ayon ang mga mayor sa Metro Manila na magpatupad ng lockdown sa lahat ng hindi pa nabakunahan na mga indibidwal sa lungsod bilang bahagi ng hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ito ay napagkasunduan ng lahat ng 17 alkalde ng Metro Manila.

Ang hakbang din na ito ay naglalayon na protektahan ang mga taong hindi nabakunahan. 

“This was what they agreed. Those unvaccinated, they shall remain at their residence at all times,” sabi ni Abalos.

Sinabi niya na ang mga hindi nabakunahan ay papayagang lumabas ng kanilang mga bahay kung bibili sila ng mga mahahalagang gamit tulad ng pagkain, tubig o gamot o mag-avail ng mga mahahalagang serbisyo na kadalasang nauugnay sa mga serbisyong medikal at trabaho.

Ang mga hindi nabakunahan ay hindi papayagang magpunta sa mga mall, tourist spots at iba pang kilalang leisure area, bawal din mag dine-in sa mga restaurants.

“This is like implementing ECQ (Enhanced Community Quarantine which is the highest lockdown measures) but only for the unvaccinated. This is also for their own protection,” dagdag ni Abalos.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive