Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bulkang Taal sumabog muli, itinaas na sa Alert Level 3


Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang status ng bulkang Taal matapos ang isang "phreatomagmatic eruption."

“At 0722H PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived phreatomagmatic burst which was followed by nearly continuous phreatomagmatic activity that generated plumes 1500 m accompanied by volcanic earthquake and infrasound signals,” ayon sa Phivolcs.

Sinabi ng mga seismologist ng Philvolcs na ang pagtaas ng status sa Alert Level 3 ay nangangahulugan na mayroong "magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.”

Pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente ng baranggay Bilibinwang, Banyaga, Agoncillo, Boso-boso, Gulod at Bugaan East sa Laurel, Batangas na lumikas dahil sa posibleng panganib.

Idineklara na ang buong isla ng Taal Volcano bilang permanenteng danger zone.

Lahat ng aktibidad sa Taal Lake at malapit dito ay kasalukuyang hindi pinapayagan, babala pa ng ahensya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive