Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 buwanang allowance o "ayuda" para sa mahihirap na kabahayan sa loob ng isang buong taon upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan ni Duterte ang dalawang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF).
"Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan..." Andanar said.
"...at pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” Andanar added.
Iminungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagbibigay ng P200 buwanang subsidy para sa mahihirap sa loob ng isang buong taon. Inirekomenda rin niya na panatilihin ang excise tax sa gasolina.
Aminado si Dominguez na maaaring hindi sapat ang halagang ito ngunit ipinunto niya na ito ang kayang ibigay ng gobyerno sa ngayon.
Ang target na subsidies ay aabot sa P33.1 bilyon sa budgetary requirements, ayon kay Dominguez.
No comments:
Post a Comment