Sa halip na kumita ng pera, isang Overseas Filipino Worker (OFW Filipino seafarer) ang nahihirapan ngayon matapos maadik sa online cockfighting o e-sabong.
Nawalan si "CJ" ng humigit-kumulang P2 milyon mula sa online betting game, kasama na ang kanyang sasakyan at iniwan na rin asawa dahil sa financial trouble nito, ayon sa ulat ng 24 Oras.
Bagama't nagtatrabaho siya sa barko, sinabi ni CJ na maaari pa rin siyang sumugal sa pamamagitan ng isang application sa smartphone.
Bukod sa pagkaubos ng pera, sinabi ni CJ na ibinenta din niya ang kotseng bigay sa kanya ng kanyang ina. Iniwan na rin siya ng kanyang asawa.
“Ako po talaga ang pinakamadalas (magsabong). Minsan pinapagalitan na lang po ng mga kasamahan ko dahil lahat na daw po yata ng sahod ko dinala ko doon,” sabi ni CJ sa interview.
“Ipatigil na talaga iyang online sabong o kaya ibalik na ‘yung dati na parang sa isang area na lang pwede ang tumaya. Para siyang drugs na maya’t maya hahanapin mo kapag meron ka,” dagdag ni CJ.
No comments:
Post a Comment