Kinasuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang netizen na nagsunog ng P20 bill sa social media app na TikTok.
Sa ulat mula sa 24 Oras ng GMA-7, sinabi ng BSP na nilabag ng netizen ang Presidential Decree No. 247 na nagbabawal sa “defacing, mutilating, tearing, or partially burning or destroying our currency by any ways.”
Ang mga mapapatunayang nagkasala ay mahaharap sa parusang multa na aabot sa P20,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit ng limang taon.
“‘Yung corresponding bank note and then ‘yung coin is pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas. Naka-receive siya ng maraming backlash from the public, pi-null out niya agad,” ayon kay BSP senior investigator Atty. Mark Fajardo.
Ang netizen ay nakilala na ng BSP at mga kaukulang awtoridad.
Nagsampa din ng reklamo ang BSP laban sa nag-upload ng video dahil sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code laban sa paglabag sa batas na Cybercrime Prevention Act of 2022.
No comments:
Post a Comment