Ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan ang napipilitang mag break contract dahil sa kagustuhang makapagbakasyon sa Pilipinas.
May mga OFWs na hindi pinayagan ng kanilang mga employer na makauwi sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ayon sa ilang mga OFW, ang break contract ay advise ng kanilang employer / broker para makauwi na.
Ilan sa mga dahilan kaya gustong umuwi panandalian ay dahil sa pagkamatay ng mahal sa buhay.
Ayon kay Manila Economic Cultural Office (MECO) Labor Director Atty. Cesar Chavez, hindi bawal magbakasyon ang mga migrnt workers.
Paglilinaw din niya na ang kumpanya o employer / broker ang mag-a-arrange ng bakasyon at kung magkakaproblema ang Filipino migrant worker
Labag sa batas ang hindi pagpayag para makapagbakasyon ang mga migrant worker at sakaling mapatunayan na may paglabag, papatawan ng multa ang employer, ayon sa Ministry of Labor.
No comments:
Post a Comment