Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging face-to-face na ang mga klase sa lahat ng eskwelahan sa susunod na school year.
Magbibigay ng iba't ibang plano ang regional offices tungkol sa paraan ng klase depende sa magiging pagsusuri at rekomendasyon ng Department of Health at local government units sa bawat lugar.
“So, right now, ang sinasabi ko 73.28 percent na ng public schools at saka meron ding tayong mga private schools na inu-urge natin, ine-encourage natin na bumalik na sila sa face-to-face,” ayon kay outgoing secretary Leonor Briones sa Laging Handa public briefing.
“By June, which is already a few days away from now, sa next academic school year, ini-expect natin na fully 100% na talaga 'yung pag-implement natin ng face-to-face classes,” dagdag niya.
Samantala, pabor din naman ang DOH sa panukalang ibalik na ang mga estudyante sa face-to-face learning.
“Face-to-face attendance in school will allow children to develop their cognitive and social skills experientially,” ayon naman sa DOH.
“F2F promotes physical and mental health and well-being. This is based on the latest scientific evidence,” dagdag ng ahensya.
No comments:
Post a Comment