Pinili ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo para pamunuan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang inihayag ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing Lunes ng hapon.
Sinabi ni Cruz-Angeles na tinanggap ni Tulfo ang nominasyon kasama ang iba pang personalidad na inalok na humawak ng mga puwesto sa gobyerno sa ilalim ng administrasyong Marcos.
"Una sa lahat salamar sa Diyos, maraming salamat kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa tiwala," mensahe ni Tulfo bilang pagtalaga sa kanya bilang DSWD chief.
"Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailngan," dagdag ni Tulfo.
Si Tulfo ay isang broadcaster na kasalukuyang nagtatrabaho sa government media People’s Television Network. Dati siyang nagtrabaho bilang news anchor para sa media network na TV 5.
No comments:
Post a Comment