Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pinay fruit picker sa Australia, umaabot ng halos P200,000 ang sweldo kada buwan

Umaabot sa 6,000 Australian dollars o katumbas ng halos P200,000 ang sahod ng isa Pinay na isang fruit picker o tagapitas ng prutas sa bansang Australia.

Kwento ni Mariel Larsen sa episode ng "Dapat Alam Mo" ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho bilang isang Pinay fruit picker sa Australia.

"Ang pamimitas ay good charm. Kung ilan ang napitas mo ay doon po kayo binabayaran," ayon kay Mariel.

Iba't ibang mga prutas ang pinipitas nila doon, kabilang ang mga mansanas, mandarin o orange, lemon, cherry at blueberry.


"Very physical ang pamimitas. I feel like I climbed in the mountain every day, sa sobrang sakit ng katawan ko, legs, parang ayoko nang magtrabaho the next day," dagdag niya.

"Pagdating sa trabaho, gender doesn't matter. Sobra akong proud na makikita ko na, kung makakapitas pala 'yung lalaki, uy kaya ko rin. Sobra akong proud na kaya kong magawa kung anong magagawa nila sa pamimitas," dagdag pa ni Mariel. 

Dahil na rin sa magandang kita sa kaniyang trabaho, natutulungan ni Mariel ang kaniyang pamilya sa Siargao. (Larawan: Mariel Larsin)

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive