Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

200 OFWs, nagsampa ng kaso laban sa forwarding company na hindi naghatid ng balikbayan boxes

Hindi bababa sa 200 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) ang nagsampa ng reklamo laban sa isang forwarding company na nabigo umanong ihatid ang kanilang mga balikbayan box sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

"Hindi po nila nabayaran yung mga utang nila doon kaya hindi ma-release. Nakikipagusap yung forwarder pero hindi naman po sumasagot so hindi po namin alam yung mga napaguusapan nila," ayin kay Sarah Caminade, isang OFW doon, base sa interview ng GMA News.

Sinabi ni Caminade na bumuo sila ng grupo para magsampa ng reklamo laban sa kumpanyang nangakong magdedeliver ng kanilang mga balikbayan box.

"Marami po kasi last year pa po yun eh, noong isang taon pa po nangyayari yan eh,” saad ni Caminade.

Sarado na ang opisina ng courier company sa UAE at hindi na sumasagot ang may-ari sa mga OFW.

"Naii-stress na po yung iba, nagkakasakit na nga po dahil namromroblema sila kasi iba po nandoon yung mga gamot sa box hindi pa nare-receive," dagdag ni Caminade.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), walang forwarder o consolidator ang kumpanya sa Pilipinas.

Gumamit umano ito ng pangalan ng isang cargo forwarding company nang walang maayos na koordinasyon sa kanila.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive