Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ang mga tatay ay dapat magbigay ng child support sa mga anak alinsunod sa batas: Tulfo, DSWD


Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng ahensya na maging handa na tumulong sa mga ina na naghahanap ng sustento sa mga ama ng kanilang mga anak.

Sinabi ito ni Tulfo alinsunod sa Article 195 ng Family Code na nagdiin na legal na kinakailangan ng mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak.

Ang Article 194 ng Family Code ay nagbibigay din na "support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family."

"Linawin ko lang po na hindi ko naman sinabi na kakasuhan namin agad ang hindi nagbibigay ng child support," ayon kay Sec Tulfo sa isang nees release.

"Nasa batas po kasi natin, matik sa batas na kailangang suportahan ang bata. Maaring pinansiyal, o pag-aralin mo. Ang sinasabi ko, kung may trabaho at usually malalaman natin yan sa misis kung may trabaho," dagdag ni Tulfo.

Hinikayat din niya ang mga ina na dalhin ang kanilang mga concerns sa DSWD, at sinabing ang mga ina ay maaaring humingi ng tulong sa DSWD upang humingi ng suporta mula sa ama.

"Pwede po kayong lumapit sa amin sa DSWD, kung may mga tatay na ayaw magsustento sa mga anak nila, provided na yung tatay ay may trabaho o may kinikita. Susulatan po namin, magdedemand kami na sustentuhan niya yung anak niya. Otherwise, ipapasa po namin ito sa korte, bahala na po ang Public Attorney’s Office (PAO). Tutulungan din po natin na ilapit sa IBP para magsampa ng kaso," ayon kay Tulfo.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive