Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Cayetano, muling nangako na itutulak ang P10,000 ayuda bill sa Kongreso

Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na agad siyang maghain ng panukala para sa isang beses na cash aid na nagkakahalaga ng P10,000 sa bawat pamilyang Pilipino.

Gayunman, idiniin niya na ang “10K Ayuda” Bill ay gagawa ng aksyon mula sa Senado, House of Representatives at MalacaƱang.

"Sa mga nagbabash sa 10k ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-sampung libo, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal," ayon kay Cayetano.

"So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulong na lang kayo," dagdag niya.

Naghain si Cayetano ng House version ng panukalang batas bilang kinatawan ng Taguig noong Pebrero 2021 ngunit hindi ito kasama sa Bayanihan 3 package.

Itinatag din niya ang programang “Sampung Libong Pag-asa” noong Mayo 2021 ngunit ito ay ipinagpaliban noong Pebrero 7, 2022, alinsunod sa mga panuntunan sa kampanya ng Commission on Elections.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive