Mula sa pangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at magiging Ferdinand E. Marcos International Airport.
Ganito ang nais ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na ang premiere gateway sa bansa sa ilalim ng kanyang House Bill No.610, na nagsasaad na “it is more appropriate to rename it (NAIA) to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project.”
Binanggit niya na ang proyekto ay nilikha noong panahon ng pagkapangulo ng yumaong pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo.
Noong 1987, pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport (MIA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng Republic Act No. 6639 noong termino ng yumaong Pangulong Cory Aquino.
Ipinangalan ito sa yumaong senador at pinuno ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na pinaslang sa paliparan nang bumalik sa bansa noong Agosto 21, 1983.
Nanawagan ang kongresista kay Marcos na patunayan sa kanyang panunungkulan na kaya niyang maging kapantay, kung hindi man mas mahusay, kaysa sa kanyang ama.
“I would like to see President BBM to be at par or even better than his father, which I think kayang-kaya niya naman (he can do it) and is very likely,” sabi ng kongresista.
No comments:
Post a Comment