Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga OFW sa iba't ibang bansa: POEA

Mas maraming trabaho sa ibang bansa ang makukuha ng mga magiging overseas Filipino workers (OFWs) habang patuloy na nilagdaan ng bansa ang Bilateral Labor Agreements (BLAs) sa mga mga host country.

Iniulat ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Bernard Olalia nitong Huwebes na ang mga job market ay nagbubukas para sa mga Pilipinong skilled workers, professionals, and health workers, at iba pa.

"Japan for skilled and professionals, Taiwan for factory workers, Korea for factory workers, New Zealand and Australia for skilled workers," ayon sa POEA.

"Romania, Croatia, and Hungary are (also) looking for skilled workers," dagdag pa ng ahensiya.

Mayroon din na mga OFW ang nakalipad na bilang mga hotel workers sa bansang Israel.

Ang paglagda ng BLA sa pagitan ng host at mga bansang nagde-deploy ay mahalaga upang matiyak na ang mga karapatan ng mga manggagawa ay protektado at ang kanilang kapakanan ay itinataguyod.

Ang Pilipinas ay may umiiral na mga labor agreements sa ibang mga bansa sa Asya, Europa at Middle East.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive