Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga tatangalin sa 4PS program, maaring umabot pa ng 2-million benepisyaryo: Sec Tulfo

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ina-update nito ang listahan ng mga benepisyaryo sa buong bansa para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Titiyakin na ang lahat ng hindi kwalipikadong benepisyaryo ay aalisin sa programa. Ipinag-utos ni Secretary Erwin Tulfo ang pag-delist sa mga benepisyaryo na ang mga anak ay nakatapos na ng pagaaral.

"[Based] on the records submitted to me by our division, the National Household Targeting System, we have identified 1.3 million families or households that are no longer considered poor," pahayag ni Sec Tulfo.

Sinabi niya na ang "graduates" ng programa ay nagpakita na mayroon na silang mga paraan upang suportahan ang kanilang sarili, o ang kanilang mga anak ay nakapagtapos na sa paaralan.

Tinitingnan din ng DSWD na tangalin ang 600,000 pang benepisyaryo na tumatanggi sa pagsisikap ng ahensya na i-verify ang kanilang katayuan.

"This is a conditional cash transfer. Which means there are conditions before you get this grant," dagdag ni Sec Tulfo.

Ang 4Ps ay isang programa kontra kahirapan na nagbibigay ng pangangailangan sa mga mahihirap na sambahayan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, partikular na ng mga batang may edad 0 hanggang 14 na taon.

Share:

1 comment:

  1. Saan po at paano po maka pag apply ng 4ps para po sa anak ko at paano po makakatanggap ng social pession inang ko 89 y/0 wala po natatanggap please

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive