Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Panukalang batas na magkukulong at multa laban sa mga 'balasubas' na magulang, inihain na!

Isang panukalang batas na nagpapataw ng dalawa hanggang apat na taong pagkakakulong bukod pa sa P100,000 hanggang P300,000 na multa sa mga magulang na hindi makapagbigay ng sustento sa bata ay inihain sa House of Representatives.

Inihain ni Northern Samar Representative Paul Daza ang House Bill 44 o ang Child Support Enforcement Act na nag-uutos na kapag may inilabas na kautusan ang mga awtoridad.

Ang halaga ng suporta sa bata ay dapat nasa P6,000 kada buwan o P200 kada araw.

"Balasubas parents--time to shape up and face your responsibilities. It"s about time that we enact a law that will protect our children from deadbeat parents," ayon kay Daza.

Nakasaad din sa panukalang batas ni Daza na ang mga kwalipikadong solo parents ay maaaring humiling ng tulong ng gobyerno sa paghahanap at pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang deadbeat partner.

"Parents should be responsible for the survival and well-being of their children. In cases of families with an absent or deadbeat parent or when separation of couples/parents are not avoidable, the family should continue to provide an environment of well-being and security," ayon kay Daza.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive