Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Robin Padilla sa pagsuporta sa divorce bill: 'Everbody deserves a second chance'

Nais ni Senador Robin Padilla na payagan ang divorce sa Pilipinas, sa paniniwalang pinoprotektahan nito ang mga pamilya mula sa  'failed marriage'.

Aniya sa kanyang facebook post:

"Ito pong batas na ito, itong panukala na ito ay hindi po ito kailanman na sumasalungat sa pagpapakasal o sa kasal o sa pag-a-asawa. Hindi po ito na isang bagay na kami ay kontra, na magkaroon ng forever, sabi nga nila. Hindi po"

"Katunayan ito pong panukala na ito ay nagbibigay ng proteksyon, unang-una sa mag-asawa, sa babae at lalaki, at sa kanilang mga magiging anak," dagdag ni Robin.

Sinabi ng senador na bagama't pinapaboran niya ang pag-aasawa na tumagal magpakailanman, ang katotohanan ay may mga pag-aasawa na napapahamak dahil sa "irreconcilable differences."

Tuloy pa rin niyang sinabi na, "Sabi nga po nila, baka daw itong panukala na ito ang sisira doon sa kasal, ay hindi po. Itong panukalang ito ang nagbibigay proteksyon doon sa kasal na masakit man pong sabihin ay sira na."

"Minsan may mga bagay po talaga na hindi na maayos. May mga bagay po talaga na talagang nakasulat na hindi kayo para sa isa’t-isa… Papaano naman ‘pagka dumating na talaga iyong para sa iyo at ikaw ay nakatali na? Edi ang lungkot, ‘di ba? Kaya dapat, sabi nga nila, everybody deserves a second chance."

Tanging ang Pilipinas lamang ang kasalukuyang estado sa mundo maliban sa Vatican City na hindi kinikilala ang diborsyo.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive