Hindi na kailangang magsuot ng uniporme ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan, sinabi ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.
Sinabi ng kalihim ng edukasyon na ang hakbang ay nilayon upang mapagaan ang pasanin ng mga mag-aaral at pamilya sa pagtaas ng presyo at pagkawala ng kabuhayan dahil sa pandemya.
"Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms (DepEd Order No. 065, s. 2010) to avoid incurring additional costs to the families of our learners," salaysay ni Duterte.
"All the more that it will not be required this school year given the increasing prices and economic losses due to the pandemic," dagdag niya.
Ang simula ng school year 2022–2023 ay sa darating na August 22.
Sinabi niya na ligtas nang magbukas ang mga paaralan dahil mayroon nang mga health protocol sa nakalipas na dalawang taon.
Sinabi ni Duterte na ang pinagsamang in-person classes at distance learning ay ipatutupad mula Agosto hanggang Oktubre, habang ang limang araw na face-to-face classes ay magsisimula sa Nobyembre.
No comments:
Post a Comment