Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Senator Tulfo, kinontra ang ayuda para sa mga pamilya na nasa middle class

Tinutulan ni Senator Raffy Tulfo ang panawagan sa gobyerno na bigyan ng ayuda ang middle class sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga panguna­hing bilihin at produktong petrolyo.


Kailangang munang pag-aralan ang pagbibigay ng tulong o ayuda para sa middle class, habang yes na yes naman para sa mga mahihirap.

"For the middle class, I think we should study it first. But for those below middle class, the poor, yes,” ayon kay Tulfo.

Ipinaliawanag ni Tulfo na ang mga middle class "can still handle the impact of the inflation since their salaries are higher than those in the underprivileged sector.”

"They can still afford to buy their needs. They receive at least above minimum wage. So let’’s help those earning minimum wages or lower,” dagdag ni Tulfo.


Si Tulfo ang susunod na chairman ng Senate committee on labor sa papasok na 19th ­Congress.

Muling iginiit ni Tulfo na ang unang panukalang batas na ihahain niya bilang senador ay isang panukalang magpaparusa sa "wage theft", na nangyayari kapag ang mga employer ay nagbibigay ng hindi patas na kompensasyon sa kanilang mga empleyado.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive