Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ilang opisyal ng DSWD, nais na maibigay ang 4Ps cash grant sa lump sum o isang bigayan naang



Sa halip na monthly distribution, iminungkahi ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na bigyan ng “lump sum” ang conditional cash assistance ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Gagawin ito na isang bigayan na lamang para kahit paano ay magamit ito ng mga benepisyaryo bilang kapital para sa maliliit na negosyo.

"Ang plano natin… kung pwede i-lump sum na lang sa isang tao, isang pamilya yung kaniyang 4Ps. Kasi ngayon po tumatanggap ata ng P1200 or P1400 per month. Bakit hindi na lang i-lump sum na for one year? Ito yung P12,000 to P14,000 i-negosyo mo," sabi ng dating sekretarya.

"Why not give it as a lump sum para magamit pang kabuhayan o dagdagan pa natin ng livelihood para mas malaki-laki. From P14,000 magiging P19,000 to P20,000 na po yan. Kaya matitigil na ang monthly at makatayo na sila sa sarili nilang mga paa," dagdag niya.

Gayunman, nilinaw niya na ang kanyang panukala ay pag-aaralan muna ng mga eksperto at social worker. Sasailalim din ito sa dry-run sa lahat ng barangay sa bansa bago isagawa.

Kasalukuyang nililinis ang listahan ng 4PS alinsunod sa utos ni President Bong Bing Marcos.

Ang 4Ps poverty alleviation program ng pamahalaan ay nagbibigay ng conditional cash grants sa pinakamahihirap sa mga mahihirap upang tumugon sa kanilang agarang pangangailangan.



Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog Archive