Titingnan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na palawigin ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong estudyante gayundin ang pamamahagi sa house-to-house.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na inilalaan ng ahensya ang P1.5 bilyon para sa programa at ipamahagi lamang ang cash aid sa susunod na apat na Sabado o hanggang Setyembre 24.
"If we still have the funds, we’re not discounting the possibility of extending the payout periods for our kababayans," saad ni Lopez sa isang interview.
Sinabi rin niya na titingnan ng ahensya ang paghahatid ng cash aid, ngunit sa mga piling rehiyon lamang.
Sinabi din ni Lopez na ang DSWD ay nagtakda ng payout tuwing Sabado dahil pinangasiwaan din ng ahensya ang iba pang mga programa tulong tulad ng tulong medikal, burial aid, at iba pa.
Para mas mapabilis ang pamamahagi, sinabi ni Lopez na maaaring tingnan din ng DSWD ang pamamahagi ng tulong sa bahay-bahay, lalo na sa mga walang access sa internet at hindi makapagparehistro online.
Triple na ang budget ng DSWD (P1.5Billion) para sa educational assistance para sa mga students.