Inirekomenda ng isang mambabatas na dagdagan ang cash aid para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno mula PHP2,000 hanggang PHP3,000 dahil sa inflation at epekto ng patuloy na pandemya.
Nanawagan si Northern Samar Representative Paul Daza para sa buwanang pagpapalabas ng mga payout sa halip na bawat dalawang buwan.
"Prices had been going up. It’s unfortunate that all countries are affected by the pandemic and then, recently, the war in Ukraine. More than ever, our poor needs better social safety nets," sabi ni Daza.
Dapat aniyang maging maingat ang Department of Social Welfare and Development sa proseso ng pag-update dahil ang batas (RA 11310) ay nangangailangan ng mahigpit na hakbang sa pagsubaybay, pag-validate, at pag-update ng listahan ng mga benepisyaryo.
Ayon sa pinakahuling dayis ng gobyerno, tumaas ang poverty incidence sa Pilipinas sa 23.7 porsiyento sa unang kalahati ng 2021 mula sa 21.1 porsiyento sa parehong panahon noong 2018.
Nangangahulugan ito na humigit-kumulang 3.9 milyong Pilipino ang nabubuhay sa kahirapan.
No comments:
Post a Comment