Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Dumadagsa ang mga tao sa DSWD para sa bigayan ng educational assistance, nagsiksikan, nagtulakan pa


Mahabang pila ng mga estudyante at kanilang mga magulang o guardians ang dumagsa sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsisimula ng pagbibigay ng educational assistance.

Yung iba pumila ay nagsimulang magpunta sa ahensya ng Biyernes ng hapon para lamang makasama sa cutoff.



Kahit sa ibang regional office ng DSWD ay dinagsa ng tao, na halos magtulakan na ang iba.

Inanunsyo ni DSWD Secretary Erwin Tulfo noong Huwebes na mamamahagi ang ahensya ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na estudyante tuwing Sabado hanggang Setyembre 24.

Sinabi ni Tulfo na mamimigay ang DSWD ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school, at P4,000 para sa mga college students o vocational courses.

Ang mga nais mag-avail ng tulong ay kailangan lamang na magdala ng enrollment certificate at kanilang school ID.

Sinabi ni Tulfo na ang mga magulang ng mga mag-aaral sa elementarya at high school ay maaaring makakuha ng tulong nang hindi dinadala ang kanilang mga anak habang ang mga senior high school at mga estudyante sa kolehiyo ay maaaring makakuha ng educational assistance.




Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive